Salmo 131 Ang Salita ng Dios (ASND)

Dalanging may Pagtitiwala

1. Panginoon, akoʼy hindi hambog o mapagmataas.Hindi ko hinahangad ang mga bagay na napakataas na hindi ko makakayanan.

2. Kontento na ako katulad ng batang inawat na hindi na naghahangad ng gatas ng kanyang ina.

3. Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon ngayon at magpakailanman.