12. Namatay rin ang ina ni Tobias at doon inilibing sa tabi ng libingan ng kanyang asawa. Nang maisaayos na ang lahat, isinama niya sa Ecbatana ang kanyang asawa't mga anak at nagpunta nga sila kay Raguel sa Media.
13. Inalagaan niya ang tumatanda nang mga biyenan, at nang mamatay ang mga ito, doon na rin nila inilibing. Ipinamana sa kanya ang lahat ng naiwang kayamanan ng kanyang magulang at biyenan.
14. Si Tobias ay umabot sa gulang na 117 taon.
15. Bago siya namatay, nasaksihan niyang lahat ang pagkawasak ng Nineve at ang pagkabihag ng mga mamamayan nito. Binihag sila ng Haring Cyaxares ng Media at dinala sa bansa nito. Dahil sa ginawang ito ng Diyos, pinuri ni Tobias ang Panginoon, ang walang hanggang Diyos. Amen!