Ang mga pintuan nitong Jerusalem aawit sa tuwa;mula sa mga tahanan lahat ay sisigaw dahilan sa galak!‘Purihin ang Panginoon, purihin ang Diyos ng Israel!’“Jerusalem, pagpapalain ng Diyos ang iyong mamamayan;Sa buong panahon, sa ngalan ng Panginoon papuri ay iukol.Pupurihin nila ang banal mong pangalan magpakailanman.”Dito nagwakas ang awit ng pagpupuri ni Tobit.