Tobit 14:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Tobit ay inabot ng 112 taon bago namatay. Napakaganda ng ginawang libing sa kanya sa Nineve; pinarangalan siya at pinapurihan.

2. Animnapu't dalawang taon siya nang mabulag at nang gumaling ay umunlad nang gayon na lamang ang kanyang buhay. Patuloy ang kanyang pagkakawanggawa at pagpupuri sa kadakilaan ng Diyos.

3. Bago siya namatay, tinawag niya si Tobias at ang pitong anak nito. “Umalis kayong madali,” ang utos niya, “ang mga apo ko'y

4. dalhin mo agad sa Media. Naniniwala ako sa sinabi ng Diyos kay Nahum tungkol sa Nineve. Ang sinabi ng kanyang mga propeta ay tiyak na mangyayari, at ang Asiria at Nineve ay parehong paparusahan. Lahat ng pahayag ay matutupad sa takdang panahon. Mapanganib sa Asiria at Babilonia kaya doon na kayo magpunta sa Media.“Ang mga kababayan natin sa Israel ay paaalisin sa mabuting lupain at itatapon sa ibang bansa. Ang buong bansa ng Israel pati na ang Samaria at Jerusalem ay mangungulila. Matutupok ang Templo ng Diyos, at pansamantalang magiging mapanglaw!

Tobit 14