Baruc 2:31-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. at makikilala ninyo na ako nga ang Panginoon ninyong Diyos. Bibigyan ko kayo ng isipang makakaunawa at pusong masunurin.

32. Pupurihin ninyo ako sa lupaing pinagtapunan sa inyo at aalalahanin ang aking pangalan.

33. Magbabago na kayo at titigilan ang inyong kasamaan, sapagkat maaalala ninyo kung ano ang sinapit ng inyong mga ninuno nang sila'y magkasala sa akin.

34. Kung magkagayon, ibabalik ko kayo sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Mapapabalik sa inyo ang lupaing iyon, pararamihin ko kayo at hindi na mababawasan ang inyong bilang.

35. Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa inyo. Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ay magiging bayan ko. Hindi ko na aalisin ang aking bayan sa lupaing ibinigay ko sa kanila.’

Baruc 2