Hindi namin pinakinggan ang mga salita ng Panginoon naming Diyos sa pamamagitan ng mga propetang isinugo niya. Ang sinunod nami'y ang masasamang hilig at panay kasamaan ang aming ginawa. Sumamba kami sa mga diyus-diyosan at ang ginawa namin ay pawang kinasusuklaman ng Panginoon naming Diyos.