28. tulad ng ipinangako ninyo kay Moises na inyong lingkod noong ipasulat ninyo sa kanya sa harap ng bayang Israel ang inyong mga utos. Sinabi ninyo noon,
29. ‘Kapag hindi kayo sumunod sa aking mga utos, mauubos kayo at itatapon sa lahat ng dako.
30. Alam kong hindi ninyo ako susundin sapagkat matigas ang inyong ulo. Ngunit sa lupaing katatapunan ninyo ay makapag-iisip-isip kayo
31. at makikilala ninyo na ako nga ang Panginoon ninyong Diyos. Bibigyan ko kayo ng isipang makakaunawa at pusong masunurin.
32. Pupurihin ninyo ako sa lupaing pinagtapunan sa inyo at aalalahanin ang aking pangalan.