25. Gayon nga ang nangyari. Ang kalansay nila'y nakalantad sa init ng araw at lamig ng gabi. Namatay sila dahil sa matinding gutom, digmaan, at salot.
26. Dahil sa kasalanan ng Israel at Juda ay hinayaan ninyong mawasak ang inyong banal na templo, at nanatiling wasak hanggang sa panahong ito.
27. “Gayunman, Panginoon naming Diyos, pinagpasensyahan ninyo kami't kinahabagan
28. tulad ng ipinangako ninyo kay Moises na inyong lingkod noong ipasulat ninyo sa kanya sa harap ng bayang Israel ang inyong mga utos. Sinabi ninyo noon,
29. ‘Kapag hindi kayo sumunod sa aking mga utos, mauubos kayo at itatapon sa lahat ng dako.
30. Alam kong hindi ninyo ako susundin sapagkat matigas ang inyong ulo. Ngunit sa lupaing katatapunan ninyo ay makapag-iisip-isip kayo
31. at makikilala ninyo na ako nga ang Panginoon ninyong Diyos. Bibigyan ko kayo ng isipang makakaunawa at pusong masunurin.