24. Sa taglay mong lakas, hampasin mo sila na lumalait sa iyong mga lingkod!” Dito niya winakasan ang kanyang dalangin.
25. Sa hudyat ng mga trumpeta at mga awiting pandigma, ang hukbo ni Nicanor ay nagpatuloy sa paglapit,
26. ngunit hinarap sila ni Judas at ng mga tauhan nito na tumatawag sa Diyos upang sila'y tulungan.
27. Ginamit nila ang kanilang mga bisig sa paglaban habang sa puso naman ay dumadalangin sila sa Diyos. Sa labanang iyon, 35,000 kaaway ang kanilang napatay. Gayon na lamang ang pasasalamat nila sa kapangyarihang ipinadama sa kanila ng Diyos.
28. Nang matapos ang labanan, masayang-masaya silang umuwi dahil sa tinamong tagumpay, at nakita nila ang bangkay ni Nicanor na suot pa ang kanyang baluti.
29. Napasigaw sila sa tuwa at sa kanilang sariling wika'y pinuri nila ang Panginoon.
30. Sa utos ni Judas, na ang katawa't kaluluwa'y tagapagtanggol ng mga kababayan sapul pagkabata, ipinaputol ang ulo't kanang kamay ni Nicanor upang dalhin sa Jerusalem.
31. Pagbabalik nila roon, tinipon ni Judas ang mga Israelita, nagtalaga ng mga pari sa harap ng altar, at tinawag ang lahat ng tauhang nasa tanggulan.