Ubos na halos ang dugo niya sa katawan nang tumayo siya, dinakot ng dalawang kamay ang kanyang bituka, ubos-lakas na hinatak ito at inihagis sa mga tao, habang nananalangin sa Diyos na nagbibigay ng buhay at ng espiritu, na ibalik sa kanya ang nawalang sangkap ng kanyang katawan. Sa ganyang paraan namatay si Razis.