1 Macabeo 14:25-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Nang ito'y mabalitaan ng bansang Israel, nagtanungan sila, “Paano natin mapapasalamatan si Simon at ang kanyang mga anak?

26. Siya, ang kanyang mga kapatid, at ang buong pamilya ng kanyang ama ay naging matatag sa harap ng ating mga kaaway; lumaban sila at tayo'y pinalaya.”Kaya, inukit nila ito sa tanso at ikinabit sa mga haligi sa Bundok ng Zion.

27. Ganito ang mababasang nakaukit doon:“Nang ikalabing walong araw ng ikaanim na buwan ng taóng 172, na siyang ikatlong taon ni Simon, ang Pinakapunong Pari,

28. sa harap ng nagkakatipong mga pari, mamamayan, pinuno, at matatanda ng bayan, ang sumusunod na katotohanan ay ipinabatid sa amin:

29. Madalas, kapag may digmaan sa bansa, itinataya ni Simon, anak ni Matatias na isang pari mula sa pamilya ni Joiarib, at ng kanyang mga kapatid ang kanilang buhay sa pagliligtas sa ating bansa, ating templo, at ating Kautusan laban sa mga kaaway. Sila ang naghatid ng malaking karangalan sa ating bansa.

1 Macabeo 14