Madalas, kapag may digmaan sa bansa, itinataya ni Simon, anak ni Matatias na isang pari mula sa pamilya ni Joiarib, at ng kanyang mga kapatid ang kanilang buhay sa pagliligtas sa ating bansa, ating templo, at ating Kautusan laban sa mga kaaway. Sila ang naghatid ng malaking karangalan sa ating bansa.