1. Mapapahamak ang mapaghimagsik na lunsod ng Jerusalem,punung-puno ng mga makasalanan at ng mga pinunong mapang-api.
2. Hindi ito sumusunod kay Yahwehat ayaw tumanggap ng kanyang pagtutuwid.Wala itong tiwala sa kanya,at ayaw nitong lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong.
3. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga leong umuungal;ang mga hukom nama'y parang mga asong-gubat sa gabi,na sa pagsapit ng umaga'y walang itinitira kahit na buto.