10. Ito ang parusa sa kanilang kapalaluan,at sa paghamak nila sa bayan ni Yahweh.
11. Sisindakin sila ni Yahweh.Pawawalang-kabuluhan niya ang mga diyus-diyosan ng sanlibutan;at siya ang sasambahin ng lahat ng bansa,sa kani-kanilang lupain.
12. Kayong mga taga-Etiopiaay mamamatay rin sa digmaan.
13. Sa kapangyarihan ni Yahweh ay wawasakin ang Asiria;ibabagsak niya ang Nineve, at ito'y matutulad sa isang disyerto.
14. Maninirahan dito ang mga kawan,at ang lahat ng uri ng mga hayop sa parang.Ang mga buwitre ay magpupugad sa mga sirang haligiat huhuni ang mga kuwago sa may tapat ng bintana;gayundin ang mga uwak sa may pintuan,sapagkat malalantad ang mga kahoy na sedar.