Zacarias 6:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Muli akong tumingin at may nakita akong apat na karwaheng lumabas sa pagitan ng dalawang malalaking bundok na tanso.

2. Pula ang mga kabayong humihila sa unang karwahe, kulay itim naman sa pangalawa,

3. mga kabayong kulay puti ang sa pangatlo, at mga kabayong batik-batik ang sa pang-apat.

4. Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan ng mga karwaheng ito?”

Zacarias 6