5. Pagkatapos, ang anghel ay kumuha ng mga baga mula sa dambana, inilagay sa sunugan ng insenso at inihagis sa lupa, at biglang kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.
6. At humanda ang pitong anghel upang hipan ang kanilang trumpeta.
7. Hinipan ng unang anghel ang kanyang trumpeta at umulan ng yelo at apoy na may kahalong dugo. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa, ang ikatlong bahagi ng mga punongkahoy at lahat ng sariwang damo.
8. Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta at bumagsak sa dagat ang isang parang malaking bundok na nasusunog. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat,