Pahayag 3:13-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

14. “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea:“Ito ang sinasabi niya na ang pangalan ay Amen, ang Matapat at Tunay na Saksi, at siyang Pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.

15. Nalalaman ko ang mga ginawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit man! Higit na mabuti kung ikaw ay malamig o mainit.

16. Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!

Pahayag 3