Pahayag 21:25-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Mananatiling bukás sa buong maghapon ang mga pinto ng lunsod sapagkat hindi na sasapit doon ang gabi.

26. Dadalhin sa lunsod ang yaman at dangal ng mga bansa,

27. ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos. Ito'y ang mga gumagawa ng masama at ang mga sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang siyang makakapasok sa lunsod.

Pahayag 21