15. May matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
16. Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
17. Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, “Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos!