Pahayag 13:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkatapos ay nakita kong umahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalait sa Diyos.

2. Ang halimaw ay parang leopardo, ngunit ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bunganga ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan.

3. Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na halos ikamatay nito, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw.

Pahayag 13