Pahayag 12:16-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang babae.

17. Sa galit ng dragon, binalingan niya ang nalalabing lahi ng babae upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus.

18. At ang dragon ay tumayo sa dalampasigan.

Pahayag 12