Pahayag 11:3-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ipadadala ko ang dalawa kong saksi na nakadamit ng sako, at sa loob ng 1,260 araw ay ipahahayag nila ang mensaheng mula sa Diyos.”

4. Ang mga saksing ito ay ang dalawang punong olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa.

5. Kapag may nagtangkang manakit sa kanila, magbubuga sila ng apoy at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sa ganoong paraa'y mamamatay ang mga magtatangkang manakit sa kanila.

Pahayag 11