Pahayag 11:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkatapos, binigyan ako ng isang panukat na parang tungkod at sinabi, “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ng Diyos at ang dambana, at bilangin mo ang mga sumasamba roon.

2. Ngunit huwag mo nang sukatin ang mga bulwagan sa labas ng templo, sapagkat ibinigay na iyon sa mga taong di-kumikilala sa Diyos. Hindi nila igagalang ang Banal na Lunsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

3. Ipadadala ko ang dalawa kong saksi na nakadamit ng sako, at sa loob ng 1,260 araw ay ipahahayag nila ang mensaheng mula sa Diyos.”

Pahayag 11