Pahayag 1:11-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Sabi niya, “Isulat mo ang iyong nakita, at ipadala mo sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea.”

12. Lumingon ako upang tingnan ang nagsasalita, at nakakita ako ng pitong ilawang ginto.

13. Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang Anak ng Tao na nakadamit ng hanggang sakong, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib.

14. Ang kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab.

Pahayag 1