Nehemias 9:13-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Mula sa langit ay bumabâ ka sa Bundok Sinaiat kinausap mo ang iyong bayan.Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan,mga batas na maaasahan at mabubuting kautusan.

14. Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahingaat ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.

15. “Nang sila'y magutom, binigyan mo sila ng pagkaing mula sa langit;at nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato.At sa kanila'y sinabi mo na sakupin ang lupaingsa kanila'y ipinangako mong ibigay.

16. Ngunit naging palalo ang aming mga ninuno,nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.

17. Hindi sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinunona mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,kaya't sila'y hindi mo itinakwil.

18. Gumawa rin sila ng diyus-diyosang guya,at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.Labis ka nilang nilapastangan!

19. Ngunit hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang,sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan.Hindi mo inalis ang haliging ulapna patnubay nila sa paglalakbay sa arawat ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim.

20. Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin.Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.

21. Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang,kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang.Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan,ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.

22. “Pinasakop mo sa kanila ang mga kaharian at bayan,ang lupaing sakop ni Haring Sihon ng Hesbonat ang lupain ni Haring Og ng Bashan.

23. Pinarami mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.Dinala mo sila sa lupainna ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.

24. Pinasok nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupainupang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.

25. Pinasok nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:mga bahay na puno ng kayamanan,mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.

26. “Ngunit kinalaban ka pa rin nila,at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.Pinatay nila ang iyong mga propetana isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo.Patuloy ka nilang hinahamak.

27. Dahil sa ginawa nila, pinabayaan mong sakupin sila ng kanilang mga kaaway,ipinaalipin mo sila at pinahirapan.Ngunit nang sila'y tumawag sa iyo,pinakinggan mo pa rin sila mula sa langit.Sa habag mo sa kanila,binigyan mo sila ng mga pinunong sa kanila'y magliligtas.

28. Ngunit nang ang buhay nila'y naging matiwasay, muli silang nagkasala laban sa iyo,kaya't pinababayaan mo silang muling matalo ng kaaway.Ngunit kapag sila'y muling nagsisi at humingi ng tulong,pinapakinggan mo sila mula sa langitat paulit-ulit mo silang inililigtas sapagkat ikaw ay mahabagin.

29. Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.

30. Maraming taon na pinagtiisan mo sila,at binalaan ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta,ngunit hindi pa rin sila nakinig.Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.

Nehemias 9