1-8. Ang unang lumagda sa kasunduan ay ang anak ni Hacalias na si Nehemias, ang gobernador. Pagkatapos ay si Zedekias at ang mga paring sina:Seraias, Azarias, Jeremias,Pashur, Amarias, Malquijas,Hatus, Sebanias, Maluc,Harim, Meremot, Obadias,Daniel, Gineton, Baruc,Mesulam, Abijas, Mijamin,Maazias, Bilga at Semaias.
14-27. Mula naman sa mga pinuno ng bayan, ang lumagda sina:Paros, Pahat-moab,Elam, Zatu, Bani,Buni, Azgad, Bebai,Adonijas, Bigvai, Adin,Ater, Hezekias, Azur,Hodias, Hasum, Bezai,Harif, Anatot, Nebai,Magpias, Mesulam, Hezir,Mesezabel, Zadok, Jadua,Pelatias, Hanan, Anaias,Hosea, Hananias, Hasub,Halohesh, Pilha, Sobek,Rehum, Hasabna, Maaseias,Ahias, Hanan, Anan,Maluc, Harim at Baana.
28. Kami, ang sambayanang Israel, ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pintuan, mga mang-aawit at mga manggagawa sa Templo, at ang lahat ng iba pang lumayo sa mga dayuhang naninirahan sa aming lupain bilang pagsunod sa Kautusan ng Diyos, pati ang aming mga asawa at ang aming mga anak na lalaki at babae na pawang may sapat nang pag-iisip