Nahum 3:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tiyak na ang iyong pagkawasak!Lunsod ng mga sinungaling at mamamatay-tao,puno ng kayamanang mananakaw at masasamsam.

2. Lumalagapak ang mga latigo,dumadagundong ang mga gulong,humahagibis ang mga kabayo,rumaragasa ang mga karwahe!

3. Sumusugod ang mga mangangabayo,kumikinang ang kanilang espada, kumikislap ang dulo ng sibat!Nakabunton ang mga bangkay,di mabilang ang mga patay,sa mga ito'y natatalisod ang mga nagdaraan!

4. Ang Nineve ay katulad ng isang mahalay na babae,mapanukso at puno ng kamandag.Binighani niya ang ibang mga bansa at inalipin ang mga ito.

5. Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,“Paparusahan kita, Nineve!Huhubaran kita nang makita ka ng ibang mga bansa.Dahil dito'y mapapahiya ka.

6. Tatabunan kita ng dumi,at gagawing hamak.Mandidiri sa iyo ang mga tao.

7. Lalayuan ka ng lahat ng makakakita sa iyo.Sasabihin nila, ‘Wasak na ang Nineve!Sino ang magmamalasakit sa kanya?Sino ang aaliw sa kanya?’”

Nahum 3