Nahum 2:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Samsamin ang pilak!Samsamin ang ginto!Ang lunsod ay puno ng kayamanan!

10. Wasak na ang Nineve!Iniwan na ng mga tao at ngayo'y mapanglaw na.Ang mga tao'y nasisindak,nanginginig ang mga tuhod;wala nang lakas, at putlang-putla sa takot.

11. Wala na ang lunsod na parang yungib ng mga leon,ang dakong tirahan ng mga batang leon.Wala na rin ang dakong pinagtataguan ng inahing leon,ang lugar kung saan ligtas ang kanyang mga anak.

12. Pinatay na ng leon ang kanyang biktimaat nilapa ito para sa kanyang asawa at mga anak;napuno ng nilapang hayop ang kanyang tirahan.

Nahum 2