1. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh patungkol sa Nineve sa pamamagitan ni Nahum na isang taga-Elcos.
2. Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti;si Yahweh ay naghihiganti at napopoot.Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin;kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan.
3. Si Yahweh ay hindi madaling magalitsubalit dakila ang kanyang kapangyarihan;at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan;ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa.
4. Sa utos lamang niya'y natutuyo ang dagat,gayundin ang mga ilog.Natitigang ang kabukiran ng Bashan at ang Bundok Carmel,at nalalanta ang mga bulaklak ng Lebanon.