Nahum 1:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh patungkol sa Nineve sa pamamagitan ni Nahum na isang taga-Elcos.

2. Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti;si Yahweh ay naghihiganti at napopoot.Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin;kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan.

3. Si Yahweh ay hindi madaling magalitsubalit dakila ang kanyang kapangyarihan;at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan;ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa.

Nahum 1