Mga Taga-Roma 7:16-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan.

17. Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin.

18. Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawâ ang mabuting ninanais ko.

Mga Taga-Roma 7