1. Kung gayon, paanong nakakalamang ang Judio sa hindi Judio? Ano ang kabuluhan ng pagiging tuli?
2. Napakarami! Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga mensahe ng Diyos.
3. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos?