Mga Taga-Roma 14:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Pag-ingatan mong ang inaakala mong tama ay huwag masamain ng iba.

17. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo.

18. Ang naglilingkod kay Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at iginagalang ng mga tao.

19. Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa.

Mga Taga-Roma 14