Mga Taga-Roma 12:19-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

20. Subalit, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”

21. Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Mga Taga-Roma 12