Mga Taga-Roma 10:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel.

2. Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan.

3. Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.

4. Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang mapawalang-sala ang sinumang sumasampalataya sa kanya.

5. Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.”

6. Ngunit ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” na para bang nais pababain si Cristo.

Mga Taga-Roma 10