Mga Taga-Galacia 3:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo?

3. Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais pa ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling lakas!

4. Wala na bang halaga sa inyo ang maraming bagay na pinagtiisan ninyo? Mayroon pa naman siguro.

5. Bakit ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan, o dahil sa inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo?

6. Tulad ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos na taong matuwid.”

7. Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham.

Mga Taga-Galacia 3