Mga Taga-Efeso 5:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)
1. Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya.
2. Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.