Mga Taga-Efeso 1:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob

8. na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman,

9. ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo

10. pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 1