7. Nagkasala nga ang aming mga ninuno,at dahil sa kanila kami ay nagdurusa.
8. Mga alipin ang namamahala sa amin;walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9. Sa paghahanap ng pagkain, nanganganib ang aming buhay,sapagkat naglipana ang aming mga kaaway.
10. Dahil sa matinding gutom, nag-aapoy ang aming katawan,para kaming nakalagay sa mainit na pugon.
11. Ang aming mga asawa ay ginahasa sa Zion,ang mga dalaga nama'y pinagsasamantalahan sa mga bayan ng Juda.