18. pagkat iniwan ng tao ang Bundok ng Zion,mga asong-gubat na lang ang naninirahan doon.
19. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.
20. Kay tagal mo kaming pinabayaan.Kailan mo kami aalalahaning muli?
21. Ibalik mo kami, O Yahweh,sa dati naming kaugnayan sa iyo!
22. Talaga bang itinakwil mo na kami?Sukdulan na bang talaga ang galit mo sa amin?