14. Ayaw nang magpulong ang matatanda ng bayan,ayaw nang tumugtog ng mga kabataan.
15. Naparam ang kagalakan sa aming puso;ang aming pagsasaya ay naging pagluluksa.
16. Walang natira sa aming ipinagmamalaki;“tayo'y nagkasala kaya tayo'y nagdurusa!”
17. Nanlupaypay kami,at nagdilim ang aming paningin,
18. pagkat iniwan ng tao ang Bundok ng Zion,mga asong-gubat na lang ang naninirahan doon.
19. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.
20. Kay tagal mo kaming pinabayaan.Kailan mo kami aalalahaning muli?
21. Ibalik mo kami, O Yahweh,sa dati naming kaugnayan sa iyo!