1. Gunitain mo, Yahweh, ang nangyari sa amin;masdan mo ang sinapit naming kahihiyan!
2. Ang aming mana ay ibinigay sa mga dayuhan,at ang aming mga tahanan nama'y ipinagkaloob sa mga taga-ibang bayan.
3. Ang aming mga ama'y pinatay ng mga kaaway;kaya't aming mga ina, wala nang kaagapay.
4. Kailangang bayaran namin ang tubig na iinumin,pati ang panggatong ay binibili na rin.
5. Pinagtrabaho kaming parang mga hayop,hindi man lamang pinagpapahinga.
6. Para lang magkaroon ng sapat na pagkain,nakipagkasundo kami sa Egipto at Asiria.
7. Nagkasala nga ang aming mga ninuno,at dahil sa kanila kami ay nagdurusa.
8. Mga alipin ang namamahala sa amin;walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.