Mga Panaghoy 5:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Gunitain mo, Yahweh, ang nangyari sa amin;masdan mo ang sinapit naming kahihiyan!

2. Ang aming mana ay ibinigay sa mga dayuhan,at ang aming mga tahanan nama'y ipinagkaloob sa mga taga-ibang bayan.

3. Ang aming mga ama'y pinatay ng mga kaaway;kaya't aming mga ina, wala nang kaagapay.

4. Kailangang bayaran namin ang tubig na iinumin,pati ang panggatong ay binibili na rin.

Mga Panaghoy 5