6. Ang pagpaparusa sa aking bayan ay higit pa sa sinapit ng Sodomana sa isang kisap-mata'y winasak ng Diyos.
7. Dati, ang aming mga pinuno ay matuwid at sindalisay ng yelo;sila'y matipuno, malakas at malusog.
8. Ngayo'y mukha nila'y sing-itim ng alkitran, kanilang mga bangkay sa Jerusalem ay naghambalang.Nangulubot na ang kanilang balat, parang kahoy na natuyo ang kanilang mga buto.
9. Mabuting di hamak ang masawi ka sa digmaan kaysa naman sa gutom ikaw ay mamatay;at dahil walang makain, labis kang nanghina.
10. Kalagim-lagim ang naging bunga ng kapahamakang sinapit ng aking bayan.Upang ang ina ay may makain, kanilang supling ang siyang isinaing.
11. Ibinuhos ni Yahweh ang kanyang matinding poot,sa lunsod ng Zion, lahat kanyang tinupok.
12. Hindi naniniwala ang lahat ng hari sa sanlibutan, ni ang kanilang mga nasasakupanna mapapasok ng kaaway ang lunsod ng Jerusalem.
13. Ngunit ito'y naganap dahil sa kasalanan ng mga propeta, at sa kasamaan ng mga parina nagpapatay sa mga walang sala.
14. Ang mga pinuno'y parang bulag na palabuy-laboy sa lansanganat natitigmak ng dugo, kaya walang mangahas lumapit sa kanila.
15. “Lumayo kayo, kayong marurumi! Huwag kayong lalapit sa amin!” sabi ng mga tao;kaya't sila'y naging pugante't palabuy-laboy, ni isang bansa'y walang nais tumanggap sa kanila.
16. Hindi na sila pinahalagahan ni Yahweh, kaya sila'y pinangalat niya.Hindi na niya kinilala ang mga pari at ang mga pinuno.
17. Nanlabo na ang aming paningin sa paghihintay sa tulong na hindi na dumating;naghintay kami sa isang bansang wala namang maitulong.
18. Ang kaaway ay laging nakabantay kaya't hindi kami makalabas sa lansangan;nabibilang na ang aming mga araw, malapit na ang aming wakas.