20. Nabihag nila ang aming tagapagtanggol, ang itinalaga ni Yahweh,na inaasahan naming mangangalaga sa amin laban sa mga kaaway.
21. Magalak ka't matuwa, bayan ng Edom at Uz;subalit ang kapahamakang ito'y inyo ring mararanasan, malalagay ka rin sa lubos na kahihiyan.
22. Pinagdusahan na ng Zion ang kanyang mga kasalanan kaya't lalaya na siya mula sa pagkabihag;ngunit paparusahan ni Yahweh ang Edom dahil sa kanyang kalikuan, at ibubunyag ang kanyang mga kasalanan.