Mga Panaghoy 3:49-53 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

49. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha,

50. hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin.

51. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod.

52. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako.

53. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.

Mga Panaghoy 3