46. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway;
47. nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot.
48. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan.
49. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha,
50. hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin.
51. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod.
52. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako.
53. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.
54. Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko, ‘Wala na akong pag-asang mabuhay pa.’
55. “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon;
56. narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’
57. Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’
58. “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay.
59. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan.
60. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin.
61. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin.