Mga Panaghoy 3:46-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

46. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway;

47. nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot.

48. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan.

49. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha,

50. hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin.

Mga Panaghoy 3