40. Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh!
41. Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin:
42. “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad.
43. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay.
44. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin.
45. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan.
46. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway;
47. nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot.
48. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan.
49. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha,
50. hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin.
51. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod.
52. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako.
53. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.