Mga Panaghoy 3:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos.

2. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.

3. Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon.

4. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto.

5. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa.

6. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan.

7. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas.

8. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin.

65-66. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain;habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3